Thursday, June 2, 2011

A WARNING FROM YOUR DRAMA QUEEN

This is an over-read on the Element of Words written in Taglish. Warning: Eto ang mga pangungusap na hindi niyo dapat kaawaan. LOL. :) 


“Ang lungkot ng buhay. Magpapakamatay na ako!” Classic example yan. Kapag pinakinggan mo, your first instinct would be to comfort the person with soothing words. Almost always, something inside you would make you want to shield that person from all the pain he or she is going through. But you know what, it’s not going to be worthy.


Buti sana kung sinabi niyang "ang hirap" kaysa "ang lungkot" Matatanggap ko pa kung bakit gusto niya magpakamatay. Pero nalulungkot lang, gusto na matepok? At ibrobroadcast pa. Gusto niya yata damayan siya or pigilan. Di niya nalang gawin kung talagang may balak siyang gawin. Better let this person know na dapat siya maging strong. May times talaga sa buhay natin, na makakaramdam tayo ng kalungkutan. But a sane person should be able to get through those sad times, with a little bit of humor and some faith.

Another example. When you were the FIRST to send a message to someone, at nireplayan ka ng: “Miss you din. Di mo na ako tinetext ha.” First, you just sent a pm to him or her. Duh? Second, you have to take note na hindi siya ang nagtext. Kung namimiss ka niya talaga, bakit siya nakatiis?

May mga tanong din na pamatay. Halimbawa, “okay ka lang?” kapag obvious naman na hindi okay. And the list goes on. So, I chose to dissect three sentences whose hidden meanings are less obvious than the others. If you don’t listen well, you might just be fooled. Here we go. :)


Bakit ba di mo ako makuhang mahalin? (a)

1. Over naman ang question na ito. Napakalaki ng hinihiling na sagot. At bago pa man makasagot yung tinatanong, masama na kaagad ang dating niya. Haha. Ang tunay na tanong: bakit mo ba kasi pinipilit na mahalin ka? Di naman nakokontrol ang pag-ibig.

2. The fact na nagtatanong ka, siguro di mo talaga siya mahal. Nagdududa ka kaagad. Wala kang trust sa mga nararamdam niyo. Question. Tinanong mo na ba kung di ka talaga mahal? Malay mo mahal ka na pala. Nagpapakanegative ka lang.

3. Kung hindi ka pa niya mahal, bakit, napapagod ka na? Naiinip? Nagmamadali? Parang chinachallenge mo na isarado ang pinto sayo, imbis gawin mo yung opposite. Feeling mo siguro naibigay mo na ang lahat. Kaya siguro, tinatanong mo kung “ano pang kulang”. Una sa lahat, kapag nagmahal ka, wag mo naman ibigay ang lahat. Magtira ka sa sarili mo. Kung di mo mahal ang sarili mo, di ka niya talaga makukuhang mahalin.

4. Oo, normal lang ang masaktan at magdrama, pero tandaan mo na ginusto mo yan. Kung mature ka na, alam mo dapat kung ano ang pinapasok mo, kung ano yang ginugusto mo. Ang tono ng sentence, parang may blame. Dapat wala. Ang pag-ibig, sugal yan. Kapag nagmahal ka, wag ka magtatanong kapag di ka minahal pabalik. Ibig sabihin lang nun, natalo ka sa pustahan. Kung malaki ang talo mo, edi pasensya. Bawi ka nalang.

5. At kung minahal mo talaga, di ka magtatanong kahit natalo ka pa. You will find it in yourself to either let go or continue to fight for it.



Kapag iniisip ko ang first love ko, napapa-smile nalang ako.(b)

1. Unang-una, nanjan ang word na smile. That tells us na mayroon silang good memories.

2. Pero, may word din na ‘nalang’, ibig sabihin, tapos na ang good times nila. Susuportahan ito ng word na ‘iniisip’. Iniisip niya na lang ang kaniyang first love. Tapos na ang kanilang good times.

3. Still, kahit tapos na, makikita natin sa katagang ‘kapag iniisip’ na regular niya pa ring iniisip ang kaniyang first love. Hindi niya pa rin nakakalimutan.

4. Lalo pang nagpapagulo ang word na first sa first love. Alam naman natin na hindi magkakaroon ng first kung walang second. Ibig sabihin, nakapagmahal na siya ng iba. For all we know, baka may third, fourth, at so on na. It goes to show na hindi pa rin siya nakakalimot kahit may iba ng nagdaan.

5. Ginamit niya ang word na LOVE. Dito, nagbabago ang lahat. If it’s love, in its truest sense, bakit ito kailangan mag-end?

6. Sa word na “napapa-smile”, obvious na puro pa-sweet memories ang kaniyang naalala. At dahil first love, malaki ang chance na bata pa sila noong sila’y nagkakilala. Inosente pa. Go lang ng go. Binigay siguro ang lahat lahat to the point na kailangan ng mag-end ang kanilang love for them to grow up.

7. Pero bakit parang permanent na ang pagkaka-end? Kung ang pagiging “bata pa” ang reason, bakit di niya balikan ngayong matanda na?

8. Unless namatay. Pero buhay man yan o patay, pinalitan niya pa rin. So, pag-ibig nga ba talaga ang kaniyang tinutukoy? Kung pag-ibig talaga, bakit kailangan mag-end? Kung bata pa sila, again, bakit di niya balikan? Anong reason? Pride? Anger? Kung ano man ang dahilan, obvious na natalo nito ang so-called love niya. Kung love talaga, bakit natalo?

9. May air of resignation sa tono ng pananalita sa buong sentence. Patunay ito na hindi niya man lang ipinaglaban, at wala siyang balak. Kahit pa may good memories sila, hindi ito naging sufficient para maglast ang kanilang love. Sabi niya nga, “napapasmile nalang siya.” Smile lang ang ginagawa niya. Hindi niya talaga ipinaglaban. So, love nga ba?

10. In the end, wag niyo kakaawaan ang nagsabi ng sentence na yan dahil siya ay gumigive-up. Malaki ang posibilidad na obsessed lang siya sa idea ng kaniyang 1st love at di niya pa talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng love. Take note, pinalitan niya rin naman ng ibang babae/lalake yung tinukoy niya sa word na 1st LOVE. Ni hindi niya nga nakuhang isubstitute ang pangalan nung minahal niya. Kung ganon ang ginawa niya, okay lang, mapapatawad pa. Pero hindi mo pa rin maiaalis ang fact na di niya nakuhang ipaglaban. it’s either tanga siya, weak siya, or di niya naman talaga minahal. Puro kalandian lang talaga lahat ng iyon. Para sa akin? Move on, magmahal ka ng bago ng hindi siya inaalala. Kung di mo kaya, balikan mo. Pero kung wala ka naman gustong gawin, none of the sympathy should be yours.


Sorry kung may nagawa man akong mali or di mo nagustuhan. (c)

1. Unang-una, bakit ka magsosorry nang hindi mo naman alam kung bakit ka nagsosorry? Bakit ka humihingi ng patawad kung hindi mo pa narerealize ang kasalanan na ginawa mo? Nagsorry ka pa? Dito pa lamang, halata na hindi talaga heartfelt ang pagsabi ng sorry.

2. Second, bakit ka magsosorry sa isang bagay dahil lang sa hindi nagustuhan ang ginawa mo? Kung gagawa ka ng isang bagay, dapat alam mo kung anong maidudulot nun. At kung sensible kang tao, may sarili kang desisyon, gagawin mo yun kung alam mong tama at di naman nakakasakit, whether or not magugustuhan nila. You can’t please everybody. Kung magsusuot ako ng pink pants at di mo type, magsosorry ako sayo? Ang conscious naman ng dating.

3. Plus nanjan ang word na “kung”. Nagsosorry ka pero hindi mo pa alam kung meron ka ba talagang nagawang mali. Ano yun, kung wala, hindi ka talaga magsosorry. Edi sana inalam mo muna kung meron o wala. Dahil kung di mo rin lang alam kung meron o wala, mas masakit pa yun sa pinagsasabihan mo ng sorry.

4. Sabihin natin na alam mo nang may nagawa kang mali. Sa tono ng buong sentence, mababakas mo naman ang guilt. Siguro nga, alam niya na na mayroon siyang ginawang mali.

5. Kung alam niyang mayron, edi dapat alam niya na rin kung ano yung ginawa niyang mali. Bakit di niya pa sabihin ng diretso? Example, “sorry, binara kita.”

6. Siguro, di ka sure kung nakasakit ba talaga yung ginawa mo? But that’s not an excuse. Pwede mo naman sabihin, “Sorry, binara kita. Kung nakasakit iyon sayo, di ko sinasadya.” Di mo inaasume na nakasakit ka, pero humingi ka na rin ng patawad dahil alam mong mali yung nagawa mo.

7. It is therefore evident na alam niya naman ang ginawa niyang mali pero di niya pa rin sinasabi dahil di niya pa rin inaadmit. Edi sana naghintay muna siya ng time. Kapag bukal na sa loob niyang mali siya, saka nalang siya magsorry. Parang ang dating tuloy, self-pity. Parang ikaw pa may kasalanan sa kaniya. If ever na alam mo ang kasalanan mo, what will hold you back to say it?

8. It’s possible na nahihiya siya dahil paulit-ulit niya ng ginawa yung kasalanan na yun. Yung mga ganitong sorry, kapag pinatawad mo, para mo na ring binigyan ng V.I.P. card para paulit ulit kang saktan sa ganoong paraan. Kasi pinapatawad mo naman ng so so lang.

9. Last possible option, trip niya lang. Trip niya magsorry, to bitch around, or para sure na walang galit sa kaniya. Poor style.

10. Bottomline, hindi dapat pinapatawad ang ganitong klase na sorry. I don’t think closure will be achieved. Magkakasorihan nga pero hindi yung tipong forgive and forget. Kaya kung ganito rin lang ang sorry, forget it.




All right, I admit, that I'm being over-analytic here. I tend to do that a lot. But you can’t really blame me. While I grow up, I meet more people, and let’s just say not all of them had been exactly true to me. As an effect, I gradually lost that free-spirited, innocent girl who has a weakness for this kind of stuff. I learned to be always on my guard, and to choose who to trust. Sometimes, it’s a good thing. Most of the time, it isn’t.


I’m always looking forward to the day when I meet that girl again. But for now I think I'll keep paying attention to actions and words per se. Though I must admit, it's kind of useless, because some will always be unreadable, and some, will always be an exception, in a way that I’ll always be weak to them. I guess at the end of the day, we have only our instincts to trust.


From your drama queen who hates drama,
RC. <3





No comments:

Post a Comment